Mabilis na resolusyon sa drug case ni de Lima hiniling ni Hontiveros

 

Ipinanawagan ni Senator Risa Hontiveros ang mabilis na paglilitis sa drug case ni dating Senator Leila de Lima.

Kasunod, ito nang pagtanggi ng korte sa Muntinlupa City na pagbigyan ang hirit ni de Lima na makapag-piyansa.

Diin ng senadora karapatan ng nagsilbing kalihim ng Department of Justice (DOJ) na sumailalim sa mabilis na paglilitis alinsunod sa Saligang Batas.

Nakakabahala din aniya na pinapakinggan ng korte ang mga pekeng testimoniya ng mga bilanggo na sangkot sa droga.

Kayat apila ni Hontiveros, ihinto na ang pagkakait ng katarungan kay de Lima.

Read more...