Bilang ng mga Pinoy na may trabaho, tumaas

Tumaas ang bilang ng mga Filipino na may trabaho.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, nasa 4.5 percent na lamang o 2.26 milyong Filipino na lamang ang walang trabaho noong buwan ng Abril.

Mas mababa ito kumpara sa 4.7 percent o 2.42 milyong Filipino na walang trabaho noong Marso.

Mas mababa rin ito kumpara sa 4.8 percent o 2.37 milyong Filipino na walang trabaho na naitala noong Enero.

Bahagya namang tumaas ang underemployment noong Abril kung saan pumalo sa 12.9 percent o 6.2 milyong Filipino kumpara sa 11.2 percent o 5.44 milyon na naitala noong Marso.

Ayon sa PSA, ang paglakas ng ekonomiya ang dahilan kung kaya nakalikha ng maraming trabaho.

 

 

 

 

Read more...