Pumatay sa Oriental Mindoro broadcaster inireklamo na ng SITG
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Inihain na sa Calapan City Prosecutors Office ang mga reklamong kriminal laban sa hindi pa nakikilalang suspek sa pagpatay sa isang broadcaster.
Sinabi ni MIMAROPA Police Regional Director, Brig. Gen. Joel Doria ang binuong Special Investigation Task Group ang nagsampa ng reklamo sa suspek sa pagpatay kay Cresenciano Bundoquin.
“The SITG has completed its initial findings by referring appropriate criminal complaints against the second suspect,” ani Doria.
Magugunita na ang 50-anyos na komentarista ng dwXR 101.7 Kalahi FM MUX Online Radio ay pinagbabaril sa tapat ng kanyang tindahan sa Barangay Sta. Isabel, sa lungsod madaling araw ng nakaraang Mayo 31.
Namatay ang isa sa dalawang salarin ng aksidenteng mabangga ang kanilang motorsiklo ng humabol sa kanilang anak ng biktima.
Kinilala ang nasawing suspek na isang Narciso Ignacio Guntan, samantalang nakatakbo ang kanyang kasamahan.