Operasyon kay Pope Francis tagumpay

 

 

Matagumpay ang abdominal surgery ni Pope Francis.

Ayon sa pahayag ng Vatican, “doing well” ang Santo Papa.

Sinabi naman ni Doctor Sergio Alfieri, ang doktor na nag-opera sa Santo Papa na aabutin ng lima hanggang pitong araw bago tuluyang maka-rekober.

Katunayan, sinabi ng doktor na nagbiro pa ang Santo Papa nang magising matapos turukan ng general anesthetic.

Sabi ng doktor, kapag tuluyan nang gumaling ang Santo Papa, wala ng limitasyon ang mga aktibidad at pagbiyahe sa ibat ibang bansa dahil wala ng ibang karamdaman.

Read more...