Tropical Storm Chedeng napanatili ang lakas

 

Napanatili ng Tropical Storm Chedeng ang lakas at direksyon habang nasa Philippine Sea.

Base sa 5:00 a.m. advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical, Astronomical Services Administration, namataan ang sentro ni Chedeng sa 1,090 kilometro silangan ng Central Luzon taglay ang hangin na 95 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugso na 115 kilometro kada oras.

Kumikilos si Chedeng sa west northwest direction sa bilis na 10 kilometro kada oras at may gale-force winds na 350 kilometro mula sa sentro.

Wala pa namang itinataas na wind signal ang Pagasa.

Wala namang inaasahang malakas na pag-ulan sa bansa dahil sa Chedeng.

 

 

Read more...