Ibinubugang asupre ng Bulkang Taal mataas pa rin
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Itinuturing na mataas pa rin ang dami ng sulfur dioxide o asupre na ibinubuga ng Bulkang Taal.
Base sa inilabas na monitoring report ng Phivolcs kaninang ala-5 ng madaling araw, naglabas kahapon ang bulkan ng 7,680 tonelada ng asupre.
Bukod pa dito may “upwelling” ng “volcanic fluids” sa Main Crater Lake kayat patuloy din itong nakakalikha ng “vog”
Ang plume o malakas na pagsingaw ng bulkan ay nasukat sa pinakamataas na 1,800 metro at napadpad sa hilagang kanluran.
Naobserbahan pa din ang maikling pamamaga ng hilagang kanlurang bahagi ng Taal at ang pangmatagalang pag-impis ng kalakhang Taal. Caldera