Isinailalim muli sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid.
Ayon sa NGCP, unang inilagay sa yellow alert ang Luzon grid kaninang alas 10:00 hanggang alas 11:00 ng umaga at mamaya muling ala 1:00 hanggang alas 3:00 ng hapon.
Nangangahulugan itong mas mabababa ang reserbang kuryente sa kapasidad ng largest running plant.
Ayon sa NGCP, sa kasalukuyan, may mga planta pa rin ng kuryente na hindi tumatakbo gaya ng GN power, SLPGC 1 at Angat Main 2.
Habang ang Pagbilao 2 naman at ang Kalayaan 3 ay naka-shutdown dahil sa maintenance.
Ang Calaca 1 naman at Malaya 2 ay mayroong limitadong output.
Pinayuhan naman ng Meralco ang kanilang consumers na magtipid sa paggamit ng kuryente para maiwasan ang posibilidad na pagpapatupad ng rotational brownout.
Partikular na maaring gawin ang pagset ng air condition uits sa 25 degrees Celsius at pagtitiyak na ang mga refrigerator at iwasan ang pagbubukas-sara nito.
Inabisuhan na rin ng Meralco ang mga commercial at industrial customers na kasali sa Interruptible Load Program na maging handa sa posibilidad na paggamit ng kanilang generator sets sakaling kailanganin.