Naganap ang engkwentro sa Barangay Banaba, pasado alas 10:00 ng gabi.
Unang nagpanggap na buyer ang isang police asset bago tuluyang pinasok ng mga otoridad ang isang bahay na hinihinalang drug den.
Isa sa mga suspek na napatay ay kinilalang si Joel Parungao na kasama sa top 10 list ng drug personalities sa bayan ng San Mateo.
Napatay din sa operasyon ang may-ari ng bahay na si Roel Avila, habang hindi pa nakikilala ang ikatlong nasawi.
Inaresto naman ang apat na iba pang naaktuhang gumagamit ng droga sa sinalakay na bahay.
Ayon kay P/Supt. Ruben Marte Piquero, chief of police ng San Mateo Philippine National Police (PNP), sina Parungao at Avila ang pangunahing target ng kanilang operasyon.