Tindahan na itinuturong ugat ng “food poisoning” ipinasara ng Taguig LGU

TAGUIG LGU PHOTO

Mananatiling sarado ang tindahan na hinihinalang sanhi ng “food poisoning” ng higit 40 residente ng Barangay Upper Bicutan, Taguig City kahapon, habang walang resulta ang isinasagawang imbestigasyon.

Nabatid na inalis na rin ang itinayong Incident Command Post sa kadahilanan wala ng nagpunta mga pasyente.

Nang matanggap ang ulat, agad na umaksyon ang Incident Management Team at City Epidemiology and Disease Surveillance Unit ng City Health Office.

Sa higit 40 residente na nanakramdam ng mga sintomas, 13 ang dinala sa Taguig-Pateros District Hospital, pito sa ibang ospital, samantalang may 22 na naka-uwi din agad matapos makatanggap ng paunang lunas.

Kumuha na rin ng water samples para mapasuri, samnatalang ang City Sanitation Office ay nagsagawa na rin ng inspection sa water source

 

 

Read more...