Pinayuhan ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasakang posibleng maapektuhan ng bagyong Chedeng na mag-ani na ng kanilang mga pananim
Bukod dito, kailangan din na mailikas na sa mas ligtas na lugar ang mga alagang hayop at mga gamit sa pagtatanim. Dagdag pa ng kagawaran, dapat na linisin ang mga kanal at irigasyon para hindi bahain ang mga pananim. Pinatitiyak naman sa mga mangingisda na ligtas ang mga bangka at iwasang pumalaot dahil sa malalakas na alon. Ayon sa PAGASA, maaring paigtingin ng bagyo ang habagat.MOST READ
LATEST STORIES