Kuwaiti government binanatan ni Tulfo sa mga anti-OFWs’ moves

 

Labis na binatikos ni Senator Raffy Tulfo ang gobyerno ng Kuwait dahil sa mga hakbang laban sa overseas Filipino workers (OFWs), na biktima ng mga krimen at pang-aabuso.

Ilang Filipino ang pinabalik sa bansa dahil sa mga hakbang ng Kuwaiti government.

Hindi din nagustuhan ng senador ang pahayag ng naturang gobyerno na paglabag sa bilateral agreement ng dalawang bansa ang pag-upa ng Embahada ng Pilipinas ng pansamantalang matutuluyan ng OFWs na nangangailangan ng tulong.

Pinuna din niya ang pagpapa-deport sa 350 Filipinos habang may negosasyon ang Pilipinas at Kuwait para maplantsa ang ipinatupad na deployment ban sa mga Filipino domestic household service workers.

Tinuligsa din nito ang nais ng Kuwait na humingi ng paumanhin ang Pilipinas dahil sa mga paglabag sa sinasabing mga kasunduan.

“We cannot come to the negotiating table on bended knees and folded arms. Imbes na masunod ang mga gusto nating terms at conditions, kabilang na ang apology from the Kuwaiti government, binabaliktad pa nila tayo,” himutok ni Tulfo.

 

Read more...