Nalalapit na ang pagpapalabas ng desisyon ng korte sa Muntinlupa City ukol sa petisyon ni dating Senator Leila de Lima na makapag-piyansa sa natitira niyang drug case.
Kasunod ito nang pagdalo ni de Lima sa pagdinig sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 256, kung saan nilitis ang case 17-176 na inihain ng Department of Justice noon pang 2017.
Base sa record ng kaso, inakusahan si de Lima gayundin si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Franklin Bucayu nang pakikipag-sabwatan sa ilang high-profile prisoners para magbenta ng droga sa loob ng pambansang piitan sa pagitan ng Marso 2013 at May 2015.
Sa nasabing panahon, si de Lima ang namumuno sa DOJ.
Ang nalalapit na pagpapalabas sa desisyon sa petisyon ni de Lima na makapag-piyansa ay ibinahagi ng abogado nitong si Boni Tacardon.
Ayon kay Tacardon, ito naman ay sinabi ng hukom na may hawak ng kaso.
“No court resolution yet on our petition for bail. According to the Judge, it will be released ‘very very soon,’” ani Tacardon.