Dagdag na rider cap allocation, walang basbas ng LTFRB

 

Walang inaaprubahang increase sa Motorcycle Taxi Pilot study ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board Technical Working Group.

Ayon sa LTFRB,  walang increase sa rider cap allocation.

“As far as the Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) is concerned, it has not authorized any increase in rider cap allocation and/or change in rider distribution among the MC Taxi Pilot Study participants,” pahayag ng LTFRB.

Base sa official pronouncement ng MC Taxi TWG noong Pebrero 14, 2020, ang final list ng riders na pinapayagan na mag-operate sa Manila sa Pilot Study Participants ay ang Angkas ay may 23,164, Joyride na may 15,000 at Move It na may 6,836.

Kamakailan lamanng, inilatag ng Grab Philippines ang ambitious strategy sa pamamagitan ng pagpapalawak ng riders ng 15,000 sa Metro Manila.

Mismong anng general manager nito na si Wayne Jacinto ang nag-anunsyo sa bagong estratihiya.

Matatandaang nasangkot na sa kontrobersiya ang ikatlong player ng MC Taxi Pilot Study.

Hindi na kasi bago ang Singapoeran company na Grap Philippines sa kontrobersiya nang akusahan ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) sa “backdoor entry” sa government’s motorcycle taxi program.

Paglilinaw ni LCSP Founder Atty. Ariel Inton, hindi naman tutol ang kanilang hanay sa pagpasok ng bagong player, bagkus dapat gawin ito pagkatapos ng pilot study.

Ayon sa LTFRB, pag-aaralan pa nila kung papatawan ng parusa ang MC Taxi company dahil sa hindi awtorisadong pagtataas ng rider cap allocation.

Read more...