JC founders Jonathan So at Carl Macadangdang, GMA artists sumuporta sa Gawad Kalinga
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Naging mas makabuluhan ang birthday ngayon taon ni JC House of Franchise founder Jonathan So.
Nagbahagi ng mga biyaya at nagbigay kasiyahan si So sa mga pamilyang benepisaryo ng Laura Drive Gawad Kalinga kasama ang kanyang business partner na si Carlito Macadangdang.
Namahagi ang dalawang matagumpay na negosyante ng 100 lootbags sa mga pamilya.
Bukod pa sa 80 lootbags na naglalaman ng mga gamit pang-eskuwela sa elementary students.
At 90 lootbags ng school supplies para sa Grade 7 hanggang senior high school students.
Isinagawa ang outreach program sa pagtutulungan ng JC Cares at Gawad Kalinga.
Nakasama nila sina GMA artists AZ Martinez at Althea Ablan.
Kapwa sinabi nina Go at Macadangdang na mas nagiging makabuluhan ang anumang okasyon kung ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa mga nangangailangan, partikular na sa mga bata.
Kasama nila sa kanilang charity event sina JC-HOF’s top franchisees Dianne Abbigail Tan, Erarev Bacho, Ranielito Macadangdang, Ferdinand Ryan Crisostomo, King Mark Pinos, Kenichi Enda, Jayson Dela Cruz at Kurt Joseph Nocum.