Inflation bumagal

 

Bumagal ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, mula sa 6.6 percent noong Abril, nasa 6.1 percent na lamang ang inflation noong buwan ng Mayo.

Ito na ang ikaapat na sunod na buwan na bumagal ang inflation.

Ayon sa PSA, ito rin ang pinakamababang inflation na naitala simula noong Hunyo 2022.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, kumpiyansa ang kanilang hanay na patuloy na babagal at bababa ang inflation sa bansa sa mga susunod na buwan.

“This is a positive development. The economic team expects that our country’s inflation rate shall continue to decline. Our kababayans can be assured that we will remain steadfast in implementing strategies to keep the inflation rate well within target,” pahayag ni Pangandaman.

“This goes to show that the economic strategies of the administration of President Bongbong Marcos is on the right track. Our whole-of-government approach is working,” dagdag ni Pangandaman.

Una nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang  Executive Order No. 28 na nagtatatag ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO), para magkaroon ng maayos na koordinasyon ang ibat ibang tanggapan ng pamahalaan para tugunan ang epekto ng inflation.

 

Read more...