Nanumpa na sa harap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sina bagong Health Secretary Ted Herbosa at Defense Secretary Gilbert Teodoro.
Ginawa ang oath taking ng dalawang bagong miyembro ng gabinete ngayong araw sa Palasyo ng Malakanyang.
Kasama nina Herbosa at Teodoro ang kanilang mga pamilya.
Una nang inanunsyo kahapon ng Palasyo na itinalaga ni Pangulong Marcos sina Teodoro at Herbosa.
Si Teodoro ay kumandidatong senador sa ilalim ng Uniteam ni Pangulong Marcos pero natalo.
READ NEXT
Thumbs up on DND Sec. Gibo Teodoro and DOH Sec. Ted Herbosa—SHARP EDGES by JAKE J. MADERAZO
MOST READ
LATEST STORIES