Naniniwala si Senator Pia Cayetano na makakabuti sa disiplina at pangkalahatang kalusugan ng mga kabataan ang sports.
Sinabi ito ni Cayetano sa panonood niya ng national finals ng Red Bull Half Court 3X3 Basketball tournament sa Bagumbayan, Taguig City.
“You can’t go wrong with involving the youth in sports,” sabi ng senadora.
Si Cayetano ay naging champion varsity player ng University of the Philippines Lady Maroons Volleyball Team at national volleyball athlete.
“What’s important is, number one, mag-enjoy sila at magiging healthy sila. And then made-develop sa kabataan yung discipline, commitment, yung essence ng teamwork at cooperation. Lahat yan nade-develop in a sense,” punto ni Cayetano.
Bukod pa dito, paliwanag pa ng senadora, nagiging pinto ng mga oportunidad ang sports, tulad na lamang ng pagkakaroon ng scholarships para magandang edukasyon.
Tiniyak din ni Cayetano na patuloy niyang susuportahan ang “grassroots sports” gayundim ang pagkakaroon ng sports facilities sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
“Ako, personally, gusto ko makakita ng sports facilities. Kasi balewala lahat ng sinasabi ko kung wala namang opportunity at walang safe spaces for these kids to engage in sports,” sabi pa niya.