Pirma na lamang ni Pangulong Marcos Jr., ang hinihintay upang maging batas ang panukala na mabalewala na ang utang ng mga magsasaka at agrarian reform beneficiaries (ARB).
At kumpiyansa si Sen. Cynthia Villar na pipirmahan ng Punong Ehekutibo ang Senate Bill 1850 o ang New Agrarian Emancipation Act.
Sinabi ng namumuno sa Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform, na mahigit 600,000 ARBs ang makikinabang dahil mawawala na ang P57.5 bilyon nilang pagkakautang.
Sila ang sumasaka ng 1.2 milyong ektarya ng lupa ng napasailalim sa agrarian reform.
Paliwanag ng senadora nakasaad sa panukalang-batas na wala nang babayarang principal at interes sa utang mula sa ibinigay na agricultural lands sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program simula noong nakaraang Disyembre 31.
“Without land in their name, our farmers cannot access credit as they lack collateral to secure the same,” ani Villar.