Umaasa si Senator Mark Villar na sa loob ng dalawang taon ay ganap na ang pagpapatupad ng panukalang pagtatatag ng Maharlika Investment Fund (MIF).
Ibinahagi ito ni Villar, ang ang-sponsor sa panukala, matapos tanggapin at aprubahan ng Kamara ang bersyon ng Senado sa pagbuo ng MIF. Ayon pa kay Villar, tiwala siyang mabilis na kikilos ang ehekutibo para mabuo ang Maharlika Investment Corporation (MIC), na mangangasiwa sa pondo. Handa na aniya ang pambansang pamahalaan na ipatupad ang MIF bill. Una nang iginiit ng namumuno sa Senate Committee on Banks, na hindi isang political move ang pagpapasa sa MIF bill. Ito aniya ay hakbang para matulungan ang bansa na magkaroon ng dagdag na pondo, na lubhang kailangan ngayon ng gobyerno.MOST READ
LATEST STORIES