Senate special committee na tutok sa Central Post Office rehab inaprubahan
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Sinang-ayunan ng mga senador ang resolusyon para sa pagbuo ng special committee na tututok sa rehabilitasyon ng Manila Central Post Office.
Sinabi ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda, ang sponsor ng resolusyon, ang sunog noong May 21 na nagresulta sa pagkasira ng iconic building at kilalang landmark sa Maynila ay pumukaw ng atensyon ng maraming Filipino na labis na nalungkot sa pangyayari.
Alinsunod sa resolusyon, mandato ng komite ang pag-aaral, pagrebisa, pag-assess, pagsusuri at pag-iimbestiga sa value aspects na may kinalaman sa reconstruction at rehabilitation ng historic site gayundin ang pagkunsidera sa mga opsyon ng redevelopment.
Itinalaga namang miyembro ng kumite kasama ni Legarda sina Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, Sens. Pia Cayetano, Nancy Binay at Sonny Angara.
Umaasa si Legarda na ang insidente ay magsisilbong wake up call para buhayin ang dedikasyon at pagtutulungan ng lahat upang protektahan ang cultural legacy para sa mga susunod na henerasyon.