Bahagyang bumaba nitong nakalipas na pitong araw ang COVID 19 positivity rate sa Metro Manila.
Ito ang ibinahagi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David sa pamamagitan ng kanyang social media account.
Sa tweet ni David, sinabi nito na ang positivity rate mula Mayo 23 sa Metro Manila ay 19.9 percent noong nakaarang Martes, Mayo 30 mula sa pinakamataas na 24.4 percent.
Samantala, ang hospital bed utilization sa NCR ay nanatili sa “low occupancy” bagamat bumaba din ang mga bilang ng mga may COVID 190 sa mga ospital.
Sa pamantayan ng World Health Organization (WHO) kailangan mas mababa sa 5 percent ang positivity rate para maikunsidera na “under control” ang pagkalat ng nakakamatay na sakit.
MOST READ
LATEST STORIES