Person of interest sa Mindoro broadcaster slay-case natukoy

FILE PHOTO

May natukoy na “person of interest” sa kaso ng pagpatay sa isang broadcaster sa Calapan City kahapon.

Kasunod ito nang mga isinagawang follow-up operations ng binuong special investigation task group (SITG) para matutukan ang pagpatay kay Cresenciano Bunduquin.

Kasabay nito, nangako si Oriental Mindoro police director, Col. Samuel S. Delorino, na siyang namumuno sa SITG-Bunduquin, na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay kay Bunduquin sa lalong madaling panahon.

Pinagbabaril ang 50-anyos na komentarista sa radyo sa harap ng kanyang tindahan sa Strong Republic Nautical Highway in Barangay Santa Isabel, pasado alas-4 ng madaling araw.

Hinabol at binangga ng kanyang anak ang mga magka-angkas sa motorsiklo na salarin at namatay ang isa na nakilalang si Narciso Guntan.

Nakatakas naman ang isa pang salarin.

Samantala, ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), ay nag-alok na ng pabuyang P50,000 para sa impormasyon na magreresulta sa pagkaka-aresto sa nakatakas na salarin.

Read more...