POGOs, global shame para sa Pilipinas – Gatchalian

SENATE PRIB PHOTO

Mas tumibay pa ang dahilan para mapalayas na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa, ayon kay Senator Sherwin Gatchalian.

Paliwanag ni Gatchalian sa nakalipas na pagdinig ng Committee on Women, nabunyag na ang isang lehitimong POGO company ay sangkot sa  human trafficking and crypto-currency scams.

“To be honest about it, this brings international shame to us. The Philippines is becoming a scam hub and POGOs are being used as a front for criminal activities including human trafficking,”  aniya.

Patungkol ito sa pagkakaligtas ng higit 1,000 banyaga na nadiskubreng biktima ng human-trafficking at nagta-trabaho sa CGC Technologies Inc., na isang licensed POGO service provider sa Clark, Pampanga.

“Our resolve to ban POGO operations in the country has become greater now that we have established the fact that the industry is being used as a front for nefarious activities undertaken by organized criminal groups,” diin ng senador.

Una nang nanawagan si Gatchalian na ipatigil na ang POGOs sa bansa para matigil ang mga krimen na inuugnay sa kanilang operasyon.

 “Malinaw na hindi napipigilan ng PAGCOR ang mga maling gawain ng mga POGO at habang nananatili sa bansa ang mga POGO hindi malayong dumami pa ang mga krimen na kasasangkutan nila,” dagdag pa nito.

Read more...