Geo-mapping sa agricultural lands sa bansa ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr.

Nais ni Pangulong  Marcos Jr. na sumailalim sa geomapping ang lahat ng agricultural lands sa bansa kasabay ng kanyang  pakikipagpulong sa mga opisyal ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement sa Malakanyang.

Katuwiran ng Punong Ehekutibo sa kanyang utos, nararapat ang geomapping para malaman ang soil maps para sa partikular na produktong-agrikultural.

Sa ganitong paraan sinabi ng Pangulo na mapapalakas ang produksyon at kita ng mga magsasaka.

“Iyong sa geomapping, actually ginagamit na namin ang mapa ng BIR (Bureau of Internal Revenue) at saka NAMRIA (National Mapping and Resource Information Authority). We are putting together everything kasi mahirap naman ipa-survey lahat. So, para alam na natin ‘yung mga areas and it started also with irrigation, sa NIA,” pahayag ni Marcos.

Aniya may ginagawa ng geomapping ang gobyerno at nireresolba na rin ang titling issues.

“So from that, ‘yung titling problem na sinasabi natin, magiging mas madali. But at least ma-define na natin ‘yung mga parcels of land and, in that way, alam na natin. So, kung maalis na natin ang titling problem, mas madali na lahat,” sabi pa nito.

Read more...