Incoming PNP Chief dela Rosa, ‘happy’ sa paglobo ng mga napapatay na drug personalities

 

Inquirer file photo

Ikinatuwa ni incoming PNP Chief Ronald dela Rosa ang pagtaaas ng bilang ng mga drug personalities na napapatay sa mga police operation.

Sa panayam kay Gen. Dela Rosa, ibig sabihin lamang nito na nagsimula nang magtrabaho ngayon ang mga pulis.

Ani Bato, mas maganda ito kaysa naman walang ginagawa ang mga alagad ng batas basta lehitimo ang mga operasyon

Giit ni del Rosa, marahil ay naghihintay lang ng tamang liderato at back-up ang mga pulis kaya ngayon ay sunud-sunod ang mga napapatay na mga drug suspects.

Read more...