Darating ang panahon sa ilalim ng Duterte administration na ibababa nito ang buwis sa mga indibidwal at mga negosyo sa bansa.
Ayon kay incoming Finance Secretary Carlo Dominguez, pag-aaralan ng susunod na administrasyon ang tax system at ia-update umiiral na income tax brackets sa kasalukuyan.
Sa oras na matapos ito, susunod na aniya ang pagbababa ng corporate at individual tax rates sa bansa.
Paliwanag ni Dominguez, nais aniya ng susunod na pamahalaan na magkaroon dagdag nap era sa bulsa ang mga manggagawa na magagamit pa nito sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Para naman aniya mapunan ang pondo ng pamahalaan sa oras na ibaba ang buwis, plano nilang busisiin ang mga nasa listahan ng mga nabibigyan ng VAT-exemption.
Sa pamamagitan nito aniya, hindi gaanong maaapektuhan ang pondo ng gobyerno sa oras na ibaba na tax rates sa mga manggagawa.
Sina Dominguez at iba pang bahagi ng economic team ng papasok na Duterte administration ay dumadaan sa consultative meeting sa mga negosyante sa Davao City.