Libreng lupa, ipamimigay sa mga magsasaka sa ilalim ng bagong ‘agrarian reform’

 

Inquirer file photo

Isang bagong agrarian reform program na naglalayong ipamigay nang libre ang mga lupain sa mga magsasaka ang pinaplano para sa susunod na administrasyon.

Ito ang magiging sentro ng agreement on radical social and economic reforms na magiging bahagi ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Duterte administration at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na inaasahang magsisimula na sa July.

Ayon sa dalawang sources ng INQUIRER, isasailalim ang mas rebolusyonaryong uri ng agrarian reform sa panukalang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER) na isa sa pangunahing itutulak na mapagusapan sa peace talks.

Wala pa namang detalye tungkol sa bagong programa ang naibubunyag, pero ayon sa isang source, malamang na malapit ito sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) na inihain sa Kamara ng mga militanteng mambabatas sa pangunguna ni incoming Agrarian Reform Sec. Rafael Mariano.

Kung sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at Comprehensive Agrarian Reform Program with Reforms (CARPER) ay may maiiwan pa sa kaniyang ng pitong ektarya ng pag-aari niyag lupain, sa GARB, kailangan nilang ibigay ang buo nilang pag-aari.

Sa ilalim rin ng GARB, papayagan nito ang mga “enlightened” land owners na maitabi pa ang limang ektarya ng kanilang lupain.

Ayon sa isang source, ang ibig sabihin ng “enlightened” land owners ay iyong mga walang record ng pang-aapi o pang-aabuso sa kanilang mga magsasaka at kailanma’y hindi pumalag sa agrarian reform.

Sa CARP at CARPER, ililipat ang mga lupain sa mga magsasaka sa pamamagitan ng amortization system, ngunit sa GARB, ipamimigay lamang ito nang libre.

Sa ilalim naman ng panukalang batas ni Mariano, lahat ng mga lupang sakahan ay isasailalim sa agrarian reform, taliwas sa CARP kung saan shares ng stocks ang inililipat at hindi ang mismong mga lupain.

Read more...