Bagyong Betty humina pa, palabas na ng PAR
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Habang papalayo ng bansa ay humina pa ang bagyong Betty, ayon sa PAGASA.
Base sa 5am bulletin, ang sentro ng bagyo ay namataan sa distansiyang 505 kilometro Hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na 110 kilometro kada oras malapit sa gitna at may bugso na umaabot sa 135 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyon na pa-Hilaga sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes.
Ngayon araw ay inaasahan na lalabas na ng Philippine area of responsibility ang bagyo.
Ayon sa PAGASA, ang mga pag-ulan na mararanasan ngayon araw sa ibat-ibang bahagi ng bansa ay epekto na ng habagat.