Cigarette filters, nangunguna sa mga basura sa tubig – Legarda

SENATE PRIB PHOTO

Kasabay ng paggunita sa World No Tobacco Day, ibinahagi ni Senate President Loren Legarda na ang cigarette filters ang nangungunang basura na nakukuha sa pagsasagawa ng coastal clean-up.

Kayat aniya napapanahon na magkaroon ng polisiya para matuldukan na ang pinsala na idinudulot nito sa kalikasan, hindi lamang sa kalusugan.

“Cigarette filters do not filter the carcinogens but only give smokers a false complacency and even makes this deadly vice pleasant somehow,” aniya.

Binanggit nito ang mga pag-aaral na tumukoy sa Pilipinas bilang nangungunang “marine polluter” sa mundo.

Bagamat aniya, kinukuwestiyon niya ang pamamaraan sa mga pag-aaral, hindi maisasantabi kung gaano karaming plastic ang ginagawa at bumabagsak sa kapaligiran.

Sinabi pa nito na sa Paris, France ngayon ay may negosasyon ang mga bansa para sa isang Plastic Treaty para mawakasan na ang krisis na dulot ng microplastics sa mga pagkain, tubig, maging sa hangin.

Diin ni Legarda, lubhang nakakabahala na ang pinsalang idinudulot na pinsala ng plastic sa kapaligiran at ngayon maging sa kalusugan.

Read more...