Dedmahin ang “tambaloslos,” birthday message ni PBBM kay VP Sara

OP FILE PHOTO

Huwag pansinin ang mga tambaloslos sa mundo.

Mensahe ito ni Pangulong Marcos Jr. kay Vice President Sara Duterte, na nagdiriwang ngayon ng kanyang ika-45 kaarawan. Matatandaang sa kalagitnaan ng pagkakasibak kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo bilang senior peputy House speaker at pagbibitiw ni Duterte bilang miyembro ng Lakas-MD, nag-tweet ang huli ng “Sa imong ambisyon, do not be tambaloslos.” Ang salitang tambaloslos ay tumutukoy sa isang halimaw na may malaking bibig at ari sa Cebuano. Ang tambaloslos ay isang slang na salita na ang ibig sabihin ay puro salita lamang o hangal. Hindi naman tinukoy ni Duterte kung sino ang tambaloslos. Sa kanyang video message sa kanyang Facebook account, sinabi ng Punong Ehekutibo na maglaan sana ng oras ang Bise Presidente para sa kanyang sarili at magpahinga sa kanyang trabaho. Sabi pa ng Pangulo, sana naman ay mag-enjoy si Duterte para sa kanyang sarili lalo na ngayong araw ng kanyang kaarawan.

Read more...