LTO may bago ng hepe

Si Transportation Assistant Secretary for Communications Hector Villacorta ang napili na bagong mamumuno sa Land Transportation Office (LTO). Kapalit siya ng nagbitiw na si Jay Art Tugade at magsisimula ang kanyang pamumuno sa ahensiya bukas, Hunyo 1. Nabatid na officer-in-charge lamang ang designasyon ni Villacorta sa LTO. Mismong si Transportation Sec. Jaime Bautista ang nanguna sa turn-over ng pamumuno sa ahensiya. Sa pagbibitiw ni Tugade ikinatuwiran nito ang pagkakaiba sa pamamalakad sa Department of Transportation. Nagbitiw siya sa puwesto sa gitna ng kontrobersiya ukol sa kakulangan ng plastic para sa driver’s license, gayundin sa plaka ng mga sasakyan.

Read more...