Lalaki patay sa 15-minutong sunog sa Mandaluyong City

FILE PHOTO

Sa sunog sa Mandaluyong City na tumagal lamang ng 15 minuto nasawi ang isang lalaki, kaninang madaling araw.

Base sa ulat, alas-3:34 nang magsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng bahay sa Nanirahan St., Barangay Mabini at naapula naman ito ng alas-3:49.

Natagpuan ang sunog na bangkay ng lalaki sa ikatlong palapag at pinaniniwalaang hindi na ito nakalabas.

Nahirapan pa ang mga bumbero na pasukin ang lugar dahil sa eskinita lamang ang maaring daanan.

Hindi pa nakikilala ang biktima at inaalam pa rin ang ugat ng sunog.

 

Read more...