Hinihintay na lamang ang kanyang certificate of nomination mula sa Commission on Elections (Comelec) at mapapabilang na si dating Social Welfare Sec. Erwin Tulfo bilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ito ay matapos manumpa si Tulfo bilang 3rd nominee ng ACT-CIS Partylist kay House Majority Leader Mannix Dalipe.
Kapag nakilala na bilang kongresista, si Tulfo ang ika-312 miyembro ng Kamara.
Nanguna ang ACT-CIS sa hanay ng mga partylist na sumabak sa 2022 elections.
Sa ngayon, ang dalawang kinatawan ng partylist sa Kamara ay sina Reps. Jocelyn Tulfo at Edvic Yap.
Noong Pebrero, nagbitiw ang third nominee ng grupo na si Jeffrey Soriano.
Magugunita na nagbitiw si Tulfo bilang kalihim ng DSWD nang maaprubahan ang kanyang appointment sa Commission on Appointments.
May posibilidad na mapabilang na sa Kamara si Tulfo bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr.