Ibinahagi ni Migrant Workers Secretary Susan Ople na binabalak ng Saudi Arabia na kumuha ng hanggang isang milyong manggagawang Filipino sa susunod na 18 hanggang 24 buwan.
Aniya may negosasyon na sa pagitan ng Pilipinas ang pribadong sektor sa Saudi Arabia para sa pagkuha ng mga manggagawang Filipino.
“I see exciting times ahead for our Filipino workers and also for our partners overseas. When we were in Saudi Arabia, we are exploring the possibility of a special hiring program to address the labor needs of Saudi Arabia,” ani Ople.
Kabilang aniya sa sektor na kakailanganin ng mga empleado ay hotels, restaurants, construction at information and technology.
Sa susunod na buwan inaasahan na maisasapinal ng dalawang grupo ang negosasyon.
Dagdag pa ng kalihim may pakikipag-usap din ang bansa sa United Arab Emirates, Austria, Guam, Portugal, Hungary, The Czech Republic at Canada.