Malacañang Heritage Tours at Goldenberg Series bukas na sa publiko

 

 

Para mapanatili ang Philippine presidential history, binuksan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos ang Malacañang Heritage Tours at Goldenberg Series.

Dalawang kilalang museums ang binuksan ng mag-asawang Marcos. Ang Bahay Ugnayan Musem at Teus Mansion na magsisilbing bagong tahanan ng presidential museum na dati ay nasa Kalayaan presidential museum.

Ekslusibong makikita sa Bahay Ugnayan Museum ang mga ginamit ni Pangulong Marcos sa kanyang paglalakbay patungo sa Palasyo ng Malakanyang nang mahalal na pangulo ng bansa noong 2022 presidential elections.

Makikita naman sa Teus Mansion ang mayamang kasaysayan ng mga naging pangulo ng Pilipinas kabilang na ang mga priceless memorabilia.

Makikita rin sa Teus Mansion ang mga presidential attire, footwear, flags, at exquisitely sculpted busts ng mga naging pangulo pati na ng mga naging first ladies ng Pilipinas.

Samantala, maaring maging venue naman ng mga pagtitipon ang Goldenberg Series.

Bukas sa publiko ang tatlo simula sa Hunyo 1 tuwing araw ng Martes hanggang Linggo ng 9:00 ng umaga hanggang

The Malacañang Heritage Tours provide a unique opportunity for individuals seeking a deeper appreciation for the remarkable 4:00 ng hapon.

Libre at walang bayad ang pagpasok sa tatlong museums.

Read more...