4 na bata, isinakay ni Pope Francis sa Popemobile

 

Inquirer file photo/AP

Sa 50,000 kataong nagpunta sa St. Peter’s Square para dumalo sa misa noong Linggo sa Vatican, apat na bata ang nagkaroon ng hindi malilimutang karanasan.

Habang nag-iikot kasi si Pope Francis sa jubilee audience sakay ng kaniyang ‘Popemobile’, apat na bata ang inimbitahan niyang umakyat at sumakay kasama niya.

Tinulungan ng security personnel ni Pope Francis ang mga bata na isa-isang maka-akyat sa Popemobile.

Habang umaakyat ang mga bata, pabiro pa silang tinanong ni Pope kung nagbayad na ba sila ng kanilang ride tickets.

Naupo lamang ang apat na bata sa likuran ni Pope Francis habang patuloy itong kumakaway sa mga taong nasa St. Peter’s Square.

Sa isang video na inupload ng Reuters, makikita ang mga batang naka-pirmi lamang ng upo at nakangiti habang umiikot ang Popemobile.

Read more...