Hindi maaapektuhan ang lipad o biyahe ng mga local airline companies sa plano ng North Korea na maglunsad ng “satellite” simula bukas hanggang Hunyo 11.
Gayunpaman, nagpalabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng notice to airmen (NOTAM) sa mga piloto bilang pag-iingat.
Nilinaw na lamang ni Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, na walang ruta ng mga commercial airlines na lumilipad sa himpapawid ng Pilipinas ang maaapektuhan.
Nagbabala na ang gobyerno ng Japan na pababagsakin ang anumang North Korean missile na papasok sa kanilang “air space” base na rin sa abiso ng Pyongyang ukol sa planong paglulunsad ng “satellite.”
MOST READ
LATEST STORIES