Nawalan ng kuryente ang apat na lalawigan sa Hilagang Luzon dahil sa epekto ng bagyong ‘Betty.’
Naputol ang kuryente sa ilang bahagi ng Abra, Mountain Province at Ifugao, samantalang kabuuan ng Batanes ang walang kuryente.
Sa update mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kabuuang 2,859 pamilya o 11,264 indibiduwal sa Batanes, Cagayan, Isabela, Aurora, Antique, Negros Occidental, at Apayao ang apektado.
Sa bilang, 877 pamilya o may katumbas na 3,483 indibiduwal ang nanunuluyan sa evacuation centers.
MOST READ
LATEST STORIES