4 rebelde patay sa engkuwentro sa Northern Samar

 

Patay ang apat na miyembro ng New People’s Army sa pakikipaglaban sa mga puwersa ng gobyerno sa Catarman, Northern Samar, kamakalawa.

Sinabi ni Army Infantry Division commander, Maj. Gen. Camilo Ligayo, nakatanggap sila ng ulat na may mga armadong grupo na nangingikil sa bulubunduking bahagi ng Barangay Mabini.

Aniya ang grupo ay pinamumunuan ni Mario Sevillano, alias Durok, ng Sub-Regional Guerilla Unit (SRGU), Sub-Regional Committee (SRC) Emporium ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).

Nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng Army 43rd Infantry “We Search” Battalion at nagkaroon ng palitan ng mga putok ng 15 minuto.

Narekober sa lugar ang dalawang M16 rifles, dalawang caliber .45 pistols, mga bala at mga personal na gamit.

Nagpahayag din ni pakikiramay si Ligayo sa mga naulila ng mga namatay.

Samantala, pinaniniwalaan na may iba pang rebelde na nasugatan base sa mga bakas ng mga dugo sa lugar.

Read more...