BIFF bomber nasugatan, natunton sa ospital sa Cotabato City

 

 

Natagpuan ng mga awtoridad sa isang ospital sa Cotabato City ang isang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) bomber.

Ayon kay Lt. Col. Rowell Gavilanes, 60th Infantry Battalion commander, tinamaan ng bala si Kuntong Basilan sa isang engkuwentro sa Maguindanao del Sur.

Siya ay ginagamot sa Cotabato Regional Medical Center nang dumating ang mga awtoridad.

Sinabi ni Gavilanes na nahaharap sa mga kasong murder at arson si Basilan dahil sa “landmine attacks” sa military detachments sa Aleosan at Midsayap, North Cotabato noong 2008.

Bahagi din siya sa pagpatay sa mga pulis at sundalo sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte noong 2020.

Isa siya sa mga pinagkatiwalaan ng yumaong BIFF leader Ameril Umbra Kato.

Read more...