Bilang ng bagong tinamaan ng COVID 19, bumaba – DOH

Bumaba ang bilang ng mga nahawa ng COVID 19 sa bansa sa nakalipas na anim na araw, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa inilabas na case bulletin, mula noong Mayo 22 hanggang 28, 11,667 bagong kaso ang naitala.

Bunga nito, ang bagog daily average case ay 1,667 at ito ay mababa ng anim na porsiyento kumpara sa naitala sa sinundan na anim na araw.

Sa mga bagong kaso, 105 ang kritikal  at malubha ang kondisyon.

Samantala, hindi naman nadagdagan ang bilang ng mga nasawi base sa datos mula Mayo 15 hanggang 28.

Kaugnay naman sa bilang ng mga nabakunahan sa Pilipinas, higit sa 78 milyon indibiduwal na ang nabukanahan at 23 milyon na ang naturukan ng booster shots.

 

Read more...