Gasolina magmamahal ng P1.10/l, krudo hindi magbabago

Mapapatungan ang presyo ng gasolina simula bukas.

Ilang kompaniya ng mga produktong-petrolyo ang nag-anunsiyo ng pagtaas sa halaga ng gasolina, P1.10 kada litro.

Samantala, wala naman magiging pagbabago sa  halaga ng  krudo o diesel.

Mababawasan naman ng P0.35 ang bawat litro ng kerosene.

Sa oil price monitoring ng Department of Energy (DOE)  hanggang noong Mayo 23, ang year-to-date pagbaba sa halaga ng  diesel ay ₱5.05 kada litro at ₱6.40 naman sa  kerosene.

Ang gasolina ay may pagtaas ng ₱5 kada litro.

 

Read more...