Rep. Arnie Teves hindi pa rin uuwi kahit sa pagbaligtad ng mga suspek

Naninindigan si suspended Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves na hindi siya babalik ng Pilipinas sa kabila nang pagbaligtad ng mga naarestong suspek sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.

“Kahit may bumaliktad, walang bumaliktad, may threats sa aking buhay at wala pa ring semblance of fairness,” ani Teves sa isang press briefing kaninag umaga.

Magugunita na ilan sa mga suspek ay isinabit si Teves sa pagpatay kay Degamo, ngunit lima sa kanila ay binawi na ang mga naunang pahayag.

Ayon pa kay Teves hindi pa rin siya umaasa na pantay na imbestigasyon sa kasi hanggang hindi din binabawi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na ang pahayag na halos 100% ng naresolba ang kaso.

Sinabi ng mambabatas kapag may parehas na ang imbestigasyon  maaring ikunsidera niya ang pagbalik sa Pilipinas.

Ilang beses nang itinanggi ni Teves na may kinalaman siya sa pagpatay kay Degamo.

Read more...