Cavite traffic enforcer itinumba ng sinita na rider

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang traffic enforcer na pinagbabaril ng sinita niyang motorcycle rider sa Tanza, Cavite kahapon.

Tatlong beses na binaril sa likod ng ulo si William Quiambao, isang local traffic enforcer.

Base sa ulat mula sa Cavite Police Provincial Office (PPO), pinara ni Quiambao si Joseph Llagas, na sinasabing nasa impluwensiya ng alak.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa bago pinagbabaril ng suspek ang biktima.

Tumakas si Llagas kasama ang isang Aries Carlos.

 

 

Read more...