Ikinasa ng Globe ang Longest Hapag— isang limang buwan na food festival series sa buong bansa.
Isinabay ang kampaniya sa paggunita sa World Hunger Day noong nakaraang arawng Linggo, Mayo 28, sa gitna ng pinaigting na pandaigdigang panawagan na puksain ang talamak na kagutuman.
Ang inisyatiba ay bahagi ng Globe-led Hapag Movement, na naglalayong makatulong sa pagtugon sa problema ng involuntary hunger ng 13.5 milyong Pilipino.
“Involuntary hunger is one of the critical societal challenges of our time. With the Longest Hapag, we are leveraging strategic partnerships and collective effort to confront the hunger problem that continues to affect our nation,” ani Yoly Crisanto, Globe Group Chief Sustainability and Corporate Communications Officer.
Bahagi ng kampanya ang panawagan sa mga restaurants, food chains, chefs, commercial centers, brands at civic organizations na magsagawa ng fund raising efforts sa pamamagitan ng pag- aalok ng kanilang mga pagkain bilang suporta sa Hapag Movement at makiisa sa determinasyong sugpuin ang kagutuman sa bansa.
Magtatapos ang Longest Hapag kasabay ng paggunita naman ng World Food Day sa darating na Oktubre 16.
Tampok sa kampaniya sina Chef Jessie Sincioco, Ches Sau Del Rosario at Chef Kay Carreon.
Pang-67 ang Pilipinas sa 113 bansa sa 2022 Global Food Security Index, mas mababa sa global average.
“We invite everyone to be a part of the Longest Hapag and make a tangible difference. By working together, we can help families conquer the problem of involuntary hunger and help uplift the lives of our fellow Filipinos,” dagdag ni Crisanto.
Ang Hapag Movement ay may life-enabling support sa pamamagitan ng supplemental feeding at livelihood opportunities sa hunger-afflicted communities sa pamamagitan ng mobilization partners nito na Ayala Foundation Inc., Caritas Philippines, Scholar of Sustenance, Tzu Chi Foundation at World Vision.