Magsisilbing daan para sa proteksyon ng “geological heritage” ng Pilipinas ang pagtatalaga ng UNESCO sa Bohol bilang Global Geopark.
Ito ang paniniwala ni Sen. Nancy Binay at aniya ang pagkilala ay malaking hakbang sa mga taga-Bohol at maging sa Pilipinas sa pangkalahatan.
“We hope that the designation of Bohol Island as a geosite will set into motion the protection and preservation of other relevant and potential geosites in the country,” aniya.
Dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Tourism; “The Philippines, with our 7,641 islands, has an intrinsic and strong differentiating factor. This UNESCO recognition emphasizes the Philippines’ comparative advantage–we can claim, with great pride, that our geoparks have exceptional aesthetics, bar none.”
Sabi pa ng senadora na may mga likas na yaman ang Pilipinas na pinahahalagahan ng buong mundo, na maaring magamit sa pag-unlad.
Mayroon tayong likas na kayamanan na pinahahalagahan ng buong mundo at maaari nating gamitin para sa ating pag-unlad.
“Bohol illustrates na posible ang sustainable ecotourism and development–na maaari nating gamitin ang ating natural resources, ngunit hindi sa punto ng pag-abuso, at grounded sa idea na kailangan natin itong protektahan, pangalagaan, at palaguin,” sabi pa nito.
Umaasa din aniya siya na magsisilbing modelo at tutularan ng ibang mga lokal na pamahalaan sa responsableng pagtahak sa kaunlaran.