Bagyong Betty bumilis, nasa dagat ng Cagayan
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Bahagyang bumilis ang bagyong Betty patungo sa dagat na sakop ng Silangan Cagayan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa 4am bulletin ng PAGASA, huling namataan ang mata ng bagyo sa distansiyang 525 kilometro Silangan ng Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 155 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 190 kilometri kada oras.
Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyon na hilaga-kanluran at mararamdaman ang lakas ng hangin nito hanggang sa distansiyang 770 mula sa gitna.
Tropical Cyclone Wind Signal No. 2
-Batanes, the eastern portion of Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is., Didicas Is., Pamuktan Is.),
-Sta. Ana, Cagayan
LUZON:
-Ang natitirang bahagi ng Babuyan Island
-Ang natitirang bahagi ng Cagayan
-Hilagang Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Solano, Bagabag, Diadi, Villaverde, Bayombong, Ambaguio)
-Apayao
-Abra
-Kalinga
-Mountain Province
-Ifugao
-Ilocos Norte the northern
– Gitnang Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler),
-Polillo Islands
-Hilagang Catanduanes (Caramoran, Viga, Gigmoto, Panganiban, Bagamanoc, Pandan)
-Hilagang Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Lagonoy, Tinambac, Siruma)
-at Hilagang Camarines Norte (Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga, Talisay, Daet, Mercedes, Basud)