Sen. Pia Cayetano pararangalan sa WHO 2023 World No Tobacco Day Awards

Kabilang si Senator Pia Cayetano sa mga pararangalan ng World Health Organization (WHO) sa 2023 World No Tobacco Day Award.

Kayat, labis-labis na ipinagmamalaki ng pamahalaang-lungsod ng Taguig si Cayetano sa panibagong pandaigdigang pagkilala na tatanggapin nito bunga ng kanyang adbokasiya para mapangalagaan ang kalusugan.

Kabilang sa mga isinulong ni Cayetano ang Sin Tax Laws of 2012 at 2020 at ang Food and Drug Administration Act of 2009.

Gayundin ang batas na nagbigay mandato sa mga kompaniya ng sigarilyo na maglagay ng “graphic health warnings” sa mga kaha ng sigarilyo at iba pang produktong-tabako.

Sa inilabas na pahayag ng pamahalaang-lungsod n Taguig, karapat-dapat si Cayetano sa parangla ng WHO dahil masigasig nitong isinusulong ang “tobacco control.”

“The well-deserved recognition, which aims to acknowledge the important contributions of individuals and organizations toward tobacco control, is a testament to her heart for public health and her persistent drive to keep Filipinos safe from these harmful products. The City of Taguig is so proud of you, Sen. Pia!” ang pahayag pa ng pamahalaang-lungsod ng Taguig.

 

 

Read more...