Halos 70 porsiyento ng mga Filipino sinabing hirap magka-trabaho
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Maraming Filipino ang nagsabi na mahirap makahanap ng trabaho sa bansa sa panahon ngayon.Base sa resulta ng SWS survey, 69 porsiyento ng mga Filipino ang sumagot na nahihirapan sila ngayon na makahanap ng trabaho.May 11 porsiyento ang nagsabi na napakadali na magka-trabaho ngayon, 16 porsiyento naman ang hindi masabi kung mahirap o madali at apat na porsiyento ang nagsabing hindi alam.Punto ng SWS simula noong 2011 mayorya sa mga sumasagot sa katulad na survey ay nagsabi na nahihirapan silang magka-trabaho.Samantala, sa nasabi din survey, 50 porsiyento ang kumpiyansa na makakahanap sila ng trabaho sa susunod na 12 buwan.Isinagawa ang 1st Quarter 2023 survey noong Marso 26 – 29 at may 1,200 adult respondents.