Super Typhoon Mawar lumakas sa paglapit sa PAR

Mas lumakas si Super Typhoon Mawar habang papalapit sa Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)

Base sa 4am bulletin ng PAGASA , taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na 215 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na umaabot ng 265 kilometro kada oras.

Huling namataan ito sa distansiyang 1,740 kilometro silangan ng Soouthern Luzon at kumikilos sa direksyon ng kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Posible na ngayon araw o bukas ay magtaas ng wind signals ang PAGASA dahil sa epekto ng bagyo.

Sa Linggo ng gabi ay maaring makaranas na ng matinding pag-ulan ang Hilagang Luzon.

Maari din na paigtingin nito ang habagat, na maaring magdulot ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas simula sa Linggo o Lunes.

Ang Metro Manila ay maaring makaranas ng maulap na panahon na may kalat-kalt na pag-ulan ngayon araw.

 

Read more...